Bukod sa pagiging pinakamatandang lungsod sa Pilipinas, isa ang Cebu sa pinakamaunlad na lalawigan sa bansa, at ang sentro ng kalakalan, komersiyo, edukasyon, at industriya sa gitna, at timog na bahagi ng Pilipinas.
MGA PAMOSONG POOK-PASYALAN
"Mactan Shrine"
Ang Mactan Shrine ay isang tanyag na lugar na pamana sa Lapu-Lapu City, Cebu. Ang mayamang kasaysayan nito ay hindi lamang kilala sa Pilipinas — kundi sa buong mundo. Hawak nito ang kwento ng sikat na ekspedisyon na pinamunuan ni Ferdinand Magellan na siyang unang lumibot sa mundo.
Ang paliparan sa Lapu-Lapu City ay makikita malapit sa Mactan Shrine, magandang makuha ang momentum ng kagandahan ng paligid dito.
bago ka magtungo sa Cebu City. pagpasok mo sa complex, ang unang bagay na makikita mo ay mula sa pasukan ng Mactan Shrine ay ang Magellan Shrine. Ang pagtatayo ng dambana noong 1866.
Ang memorial tower na ito ay ginawa bilang paggalang sa sikat na Portuguese explorer na si Ferdinand Magellan (Fernando de Magallanes) na ang ekspedisyon ay ang unang naitala na paglilibot ng mundo. Pinaniniwalaang ang dambana ay ginawa sa lugar kung saan namatay si Ferdinand Magellan sa panahon ng labanan.
Ang dambana ng Lapu-Lapu ay isang marilag na estatwang tanso na 20 meters ang taas na naglalarawan sa isang mandirigma na si Lapu-Lapu na may hawak na malawak na tabak at isang kahoy na kalasag. Si Lapu-Lapu ang pinuno ng Mactan Island na nanindigan laban sa mga kolonisador ng Espanya na humihingi ng buwis at pagsumite sa kanilang pamahalaan.
Nang salakayin ni Ferdinand Magellan at ng kanyang tauhan ang isla ng Mactan na may mga baril at riple, hindi natakot si Lapu-Lapu at ang kanyang mga tauhan kahit na ang kanilang sandata ay mga sinauna. Lumaban sila nang may karangalan at natalo sila. Ang kanyang matapang na paninindigan para sa bansa ay nakakuha sa kanya ng pamagat ng pagiging unang pambansang bayani ng Pilipinas.
Noong Abril 27, 1521, si Ferdinand Magellan ay gumawa ng matapang na pagtatangka na salakayin ang Mactan Island na may 60 na sundalo lamang. Nag-iwan pa siya ng 11 na katao upang bantayan ang mga bangka na nag-iwan sa kanya ng isang kabuuang 49 na kasama nakalalakihan lamang upang atakehin ang isang isla na may higit sa 1,500 na mandirigma. 300 na lalaki ni Haring Leonidas laban sa isang milyong Persian.
Ang kanyang barko ay hindi makalapit sa dalampasigan dahil sa mga koral at mga bato. Dahil dito, nabigo siyang gamitin ang mga kanyon ng barko para sa kanyang kalamangan. Si Lapu-Lapu at ang kanyang mga kasama ay armado ng mga kampilans (isang malawak na tabak ng metal), kahoy na mga kalasag at mga palaso na may lason nang harapin nila. Habang ang mga sundalo ni Ferdinand Magellan ay armado ng mga espada, itak, metal na armors at riple. Ang mga riple sa oras nayon ay mayroong mga bala. Ang mga kanilang kagamitan noon ay hindi modernong pamamaraan na paggamit ngayon sa kasalukuyan .
Sa pag lagay ng mga bala doon sa loob ng mga kanilang kagamitang baril ay
tumatagal ng maraming oras upang mag-lagay ng bala. Kailangan mong manu-manong ilagay ang gun powder, ang bala pagkatapos ay itulak ito gamit ang isang mahabang stick.
Nagbibigay ito ng sapat na oras para sa mga tauhan ni Lapu-Lapu na makalapit kila Magellan upang sila ay kanilang salakayin ngunit malaki ang bilang ng mga tauhan ni Ferdinand Magellan kaya't sila ay nabigo.
"Fort San Pedro"
Masarap makatuklas ng mga makabagong bagay-bagay na maaaring magdulot ng malaking epekto sa buhay natin.
Bilang isang mag-aaral ako ay nangangarap na makapaglakbay sa iba't ibang dako ng pilipinas at masilayan ang ganda ng tanawin sa ating bansa, hindi mawala sa akin ang mga katanungan kung ano nga ba ang ganda ng kalikasan o tanawin dito sa Cebu? Hindi lamang ito pinupuntahan ng maraming tao kundi sa isang tingin mo palang, nakuha na nito ang buong atensiyon mo, ang mga nag-gagandahang lugar at tanawin dito at sa labis na pagkasabik na iyong masilayan.
Isa sa nakapagbighani ng aking nasilayan ay ang FORT SAN PEDRO.
Ang Fuerza de San Pedro na mas kilalang FORT SAN PEDRO sa kasalukuyan ay isa sa pinakamaliit at pinakamatandang moog sa Pilipinas. Ito ay matatagpuan sa Plaza Independencia sa Lungsod ng Cebu. Itinayo noong ika-8 Mayo,1565 ng mga manggagawang [Cebuano] sa ilalim ng pamamahala ni Miguel Lopez de Legazpi. Ito ay ideneklara bilang isa sa mga makasaysayang lugar sa Pilipinas. Naging kampo ng mga Kastila laban sa pagsalakay ng Moro sa lalawigan (Panahon ng mga Kastila).
Sa panahon ng pananakop ng America ito ay naging parte ng Warrack Barracks, ang garisong itinayo ng mga militar. At naging paaralan rin ng mga Cebuano. Ngunit kahit marami ng pinagdaanan ang Fort San Pedro nanatili pa rin itong isang matayog na tanawin dito sa cebu.
Makikita mo sa labas pa lamang kahit na may katandaan na, hindi pa rin nawawala ang kagandahang taglay nito. Pinalilibutan ito ng mga puno at ng magagandang tanawin.
Ngunit bago ka makapasok sa Fort San Pedro, ay may hinihinging 50 pesos para sa entrance fee pagpasok mo sa loob ay makikita mo na ang mga nakakabighani na taglay nito hindi naman magpapahuli ang mga magagandang bulaklak, landscape na kagandahan nito at ang mga iba't- ibang heritage na makaantig ng damdamin at munting museum nito.
Sa loob nito makikita kung ano ang kasaysayan ng Fort San Pedro mula noong Panahon ng Kastila at kung paano ito nagbago sa lumipas na panahon hanggang sa kasalukuyan.
Ako ay natuto na pahalagahan ang mga pinagmulan ng mga kasaysayan sa atin. Kahit gaano man ito katagal dapat ito'y ating bigyang halaga sapagkat ang kasaysayan ng bawat bagay ay maaring makakatulong ng malaki hindi lamang sa mga pangyayari sa buhay pati na rin sa iyong sarili.
Ang mga kasaysayang pinamana ng ating mga ninuno ay dapat pahalagahan sapagkat ito ang nagsilbing pamana ng likas na kayamanan at kaluluwa nating mga Pilipino.
MGA PANGUNAHING PRODUKTO NG CEBU
Bukod sa tradisyon, pook pasyalan at lugar. Ang Cebu ay tanyag din sa iba't ibang produkto na tlaga namang dinadagsa dahil sa magandang kalidad ng mga ito.
Lechon
Sino bang hindi matatakam sa lutong at linamnam ng ating pambansang ulam na isa sa pangunahing produkto ng Cebu, hindi maikakaila ang sarap ng pagkaing ito dahil sa masusi nitong proseso ng pagluluto. Habang iniihaw nang maigi ang baboy kasabay nito ang pagpahid ng sabaw ng buko dito at bukod pa ang mga sikretong mga sangkap na pampalasang inilalagay sa tiyan nito.
Bakasi
Isa sa dinarayong pagkain sa Cebu ay ang bakasi o tiger reef eel ay isang uri ng igat na matatagpuan sa Cardova sa Cebu, ito ay isang exotic food na mayroong masusing paghuli gamit ang kakaibang bitag pang-isda na kung tawaging ay bakasi. Ang karaniwang
luto ng mga Cebuano rito ay tinola at sinigang.
Cruzan Crab
Kilala ang mga alimango sa pagsubok na iyong pagdadaanan bago mo ito matikman dahil sa sanayan sa pagbabalat ang proseso nito ngunit panalong panalo naman sa linamnam ang lasa nito, isa dyan ay ang Cruzan crab na matatagpuan sa isla ng Bantayan sa Cebu.
Gitara
Bukod sa iba't ibang pagkain kilala ang Cebu sa mga pagawaan ng mga gitara. Ang Alegre Guitar Shop ang pinaka kilalang bentahan at pagawaan ng gitara sa Cebu na matatagpuan naman sa kalagitnaan ng isla ng Mactan. Isa din ito sa mga dahilan kung bakit nakilala ang Cebu dahil sa kalidad at orihinal na paggawa ng mga ito, ang paggawa ng gitara ay inaabot ng 3 hanggang 4 na oras bawat isa depende sa klase ng kahoy na gagamitin dito.
Sa produkto at tanawin pa lamang hndi maipagkakaila na isa ang Cebu sa maipagmamalaking yaman ng ating bansa. Natural ngang ang Pilipinas ay natatangi dahil sa mga likas na yaman na tinataglay nito.
PISTA SA CEBU
Alam niyo ba sa cebu ay may iba't-ibang pista at isa na rito ang ang Sinulog Festival
Ano nga ba ang sinulog fetival?
Ang Sinulog Festival ay isang masiglang pagdiriwang na tumatagal ng siyam na araw, at ito ay karaniwang ginaganap sa ikatlong Linggo ng Enero sa lungsod ng Cebu. Sinasabi na maging sentro ng pagdiriwang ng Santo Niño sa Pilipinas, alam nyo ba isa rin sa mga pangunahing tampok ng pagdiriwang na ito ay ang "Sinulog Grand Parade" na tumatakbo ng siyam hanggang dose oras! Ang parada na ito ay ginaganap lamang sa huling araw, at napakapopular ng paradang ito dahil milyun-milyong mga tao na hindi lamang binubuo ng mga Pilipino kundi pati na rin ang mga dayuhan mula sa buong mundo ay magsasama sama sa okasyong ito bawat taon
Ano nga ba ang nagagaganap sa Sinulog Festival?
Ito ay karaniwang isang mahabang pagprusisyon na binubuo ng maraming mga grupo na mga mananayaw sa kalye na lahat ay nakasuot ng mga makukulay na kasuotan na may mga nakamamanghang disenyo at palamuti. Sa pagdaan nila sa buong bayan, ginagampanan nila ang kanilang sariling mga hakbang sa sayaw o ang "Sinulog Dance" - isang natatanging pasulong na paatras na naaayon sa isang nakikilalang drumbeat na nagpapakilala sa kapistahang ito. Upang madagdagan, ang hakbang na ito ng sayaw ay perpektong naglalarawan ng kahulugan ng salitang 'Sinulog' na nagmula sa Cebuano 'soo' na nangangahulugang: "tulad ng isang kilusan ng tubig na kasalukuyan".
Ano ang pinagmulan ng sinulog festival?
Noong Abril 7, 1521, matapos dumating ang barko ni Ferdinand Magellan sa Cebu, ipinakita niya ang imahe ng batang Jesus, ang Santo Niño, bilang regalo sa binyag kay Hara Amihan, asawa ni Raja Humabon. Pinangalanang Reyna Juana si Hara Amihan bilang pagpupugay jay Juana, ang ina ni Carlos I. Kasama ang mga pinuno ng isla, ang iba pang 800 na taga-roon ang nabinyagan ng Kristiyanismo. Sa pagtanggap nito sa imahe, sinasabing si Reyna Juana ay sumayaw na may tuwa hawak ang imahe ng batang Jesus. Dahil sa pagsunod ng mga taga-roon sa kanya, ang sandaling ito ang itinuring na pinakaunang Sinulog.
PANINIWALA NG MGA CEBUANO
Ang ating bansa ay naimpluwensiyahan ng iba't ibang bansa dahil sa pagsakop nila sa atin. Ang ating paniniwala ay nadagdagan at nagkaroon tayo ng mga paniniwalang nagmula sa ibang bansa katulad ng mga lugar sa Pilipinas isa na dito ang Cebu. Ang Cebu ay may mga magagandang lugar, pasyalan, at maraming masasarap ng pagkain pero ating tatalakayin ay ang kanilang mga iba't ibang paniniwala.
Ang mga Cebuano ay naniniwala sa mga pamahiin sa kusina katulad ng pagkanta sa harap ng kalan, maaaring may masamang mangyari. Sila ay naniniwala rin kapag ikaw ay kumakanta sa hapag kainan ito ay isang simbolo ng kawalan ng respeto. Isa pa rito ay ang paglalaro ng apoy, ang mga Cebuano ay naniniwala na kapag naglalaro ka ng apoy ang iyong mata ay maaaring lumabo, at sila ay naniniwala din na kapag ikaw ay nakabasag ng pinggan sa isang okasyon ito ay sumisimbolo ng kamalasan.
Ang mga Cebuano rin ay may mga paniniwala na mga pamahiin sa kasal katulad ng bawal ang pagsukat ng damit pangkasal dahil maaari daw ito ay 'di matuloy. Bawal magkita ang dalawang magpapakasal dahil maaari daw may mamatay ang isa sa kanila, dapat daw ay unahan ng babae ang lalaki sa paglabas upang 'di siya maliitin, at kapag umulan daw sa araw ng kasal ito raw ay nagsisimbolo ng kaswertehan.
Ang mga taga-Cebu ay may mga paniniwala rin ukol sa mga sumakabilang buhay na katulad ng bawal matulog sa tabi ng kabaong maaari mo raw hindi mapipigilan ang paggalaw iyong ulo.
Bawal magkamot ng ulo maaari kang magkaroon ng kuto. Pagsuutin ng pulang damit ang mga bata. Pagtawid ng mga bata sa kabaong upang hindi sila guluhin ng namayapa. Dapat putulin ang kwintas na nakakabit sa namayapa upang hindi na siya masundan. Bawal ang magwalis sa araw ng burol bilang pagpapakita ng respeto, at bawal matuluan ng luha ang kabaong upang hindi siya mahirapan sa pag-akyat sa langit.
May ibang mga paniniwala ang mga Cebuano katulad nitong mga ito.
• Bawal maggupit ng kuko sa gabi upang hindi malasin.
• “Friday the 13th” mag-ingat sa araw na iyon sapagkat may maaaring mangyari sa iyong masama.
• Paggising ng alas tres ng madaling araw maaaring may dumalaw sa inyo. Ito raw ay ang paggising ng mga ispiritu.
• Kapag may nakita kang taong pugot ang ulo maaari siyang mamatay (pwede itong mapigilan basta ibaon lang ang kanyang damit sa lupa).
TRADISYON SA CEBU
• Kaugalian Sa Panliligaw
Isang tradisyonal na sayaw ng panliligaw ang Kuratsa na kung saan ang lalaki ay lalapit at susuyin ang babae sa isang anyo ng isang sayaw. Ito ay nangangahulugan na ang panliligaw sa pagitan ng mga tandang at inahing manok. Ang Kuratsa ay mataas na napaboran sa pamamagitan ng mga Bisaya na mga tao, higit sa Waray, ang rehiyon sa silangang bahagi ng Visayas. Ito ay ipinapakita sa bawat mahalagang okasyon sa komunidad.
Ang kaugalian sa panliligaw ngayon noon sa panahon ng mga ninuno natin ang pagtatagpo ng babae at lalaki ay hindi pinapayagan. Gawain ng lalaki sa tahanan ng babae ay ang
1. Magsibak ng panggatong.
2. Mag-igib ng tubig.
3. Tumulong na magkumpuni ng bahay at kung anu-ano pang pipagagawa ng mga magulang ng babae.
Inaabot ito ng ilang buwan, at minsan taon, ang paninilbihan nito sa tahanan ng babaing nais ligawan.
Bigay-kaya o dote – ito'y maaaring pera ginto o bagay na mahalaga ang semonya ng kasalan ay dinaraos sa pamumuno ng BABAYLAN o KATALONAN. Sa Visayas , ginagamit sa ligawan ang betel nuto buyo na ginagawang nganga.
TANYAG NG PANITIKAN NG CEBU
Tunghayan natin ang iba't- ibang impormasyon na maaari nating makalap sa lugar ng Cebu. Ang katutubong pangngalan para sa lugar ay sugbo. Ang pangalang Cebu ay isang pagka-kastila ng orihinal na katutubong pangalan na sinimulang gamitin noong pagdating ni Miguel Lopez de Legazpi sa Pilipinas. Ang unang ipinangalan ni legazpi sa Cebu ay San Miguel, ngunit ito ay muli nyang binago nang nakita nya ang Sto. Niño na ibinigay ni Fernando de Magallanes sa mga Cebuano kaya ginawa niya itong La Ciudad del Santisismo Nombre de Jesus.
Maliban sa tinaguriang bilang pinakamalaking lungsod ng Pilipinas, ang Cebu ay isang lugar na may makulay na kasaysayan.
Bago dumating ang mga kastila hanggang sa 1990. Ang mga Cebuano noon ay lumikha ng maraming mga awit at dula. Mayroon din silang maraming alamat na sinasaulo lamang nila sapagkat
wala pang nakapag simulang sumulat sa Wikang Cebuano.
TANYAG NA MANUNULAT SA CEBU
Narito ang ilan sa mga kilala at pinakatanyag na manunulat sa Cebu kaya naman tunghayaan, basahin at unawain nating mabuti ang kanilang mga pinagdaan.
Isa na rito ay si Vicente Rama na kung saan bukod sa manunulat ay kinilala syang manlilimbag at lider politiko. Si Vicente Rama din ay naging Habian ng opinyon ng karamihan gayun din ang pag-unlad ng panitikang Cebuano. Namatay siya noong Ika-24 ng Disyembre sa taong 1956 sa lugar ng Dakbayan sa sugbo. Nakapagtapos ng kolehiyo sa paaralang Unibersidad ng San Carlos. Bukod sa pagiging manunulat may taglay rin s'yang galing sa pagiging journalist poet, at higit sa lahat ay isa sya sa miyembro ng Senador ng Pilipinas.
Sunod na kilala at tanyag na manunulat ay si Ricardo Lee, kilala bilang Ricky Lee isa s'yang manunulat mula sa Pilipinas. Higit syang popular bilang isa sa tinuturing bilang isang script writer ng bansa sa larangan ng pelikula at telebisyon, bagama't kilala rin sya sa kanyang masining na kontribusyon sa larangan ng maikling kwento, nobela, dula at pamamahayag. Nakapagsulat na s'ya sa mahigit sa 150 na naisapelikulang iskrip mula pa noong 1973. Nakapagtamo na siya ng mahigit 50 na tropeo mula sa iba't-ibang samahang pampelikula.
BARAYTI NG WIKA SA CEBU
Ang ina sa wikang filipino ay salitang mama naman sa wikang cebuano. May mga salitang magkatulad sa wikang filipino at wikang cebuano katulad ng:
Ulan- Ulan
Bagyo- Bagyo
Baha- Baha
May mga salitang nagkakaiba-iba lamang dahil sa isang letra katulad ng ngipin sa wikang filipino at ngipon naman sa wikang cebuano dahil napapalitan ng ponemang o ang u. Meron din mga salitang nagbabago dahil sa unlaping "ka" katulad ng kahapon na naging "gahapon" sa wikang cebuano. May mga salitang ang panlaping "um" sa wikang filipino ay nagiging panlaping "mi" sa wikang cebuano.
Comments
Post a Comment